Tuesday, February 23, 2010

Ang pambabastos ni SR Chaba

Kahapon ginanap ang miting de avance ng dalawang partidong nagtutunggalian sa halalan ng konseho ng mag-aaral sa UP Los Baños. Naka-schedule ang mga College Student Councils anumang oras sa pagitan ng ala-una ng hapon hanggang alas-siyete ng gabi, na susundan ng University Student Council ng alas-otso ng gabi.

Kasama sa miting de avance ng USC ang Electoral Debate na pinamumunuan ng UPLB Perspective. Naging matagumpay ang pagdaraos ng debateng ito, lalo na ng Buklod UPLB na siya namang naging magaganda at malalaman ang mga kasagutan. Ang mga bagay-bagay na pinag-usapan ay ang pagkakaisa ng konseho sa gitna ng pagkakaiba-iba ng prinsipyo, ang Morong 43, at iba pang mga usapin,. Ngunit ang usaping naging sentro ng atensyon sa gabing iyon ay ang di pagkilala ng Board of Regents sa rehente ng mag-aaral na si Charisse "Chaba" Bañez.

Matapos ang debate tinawag ng mga kinatawan ng UPLB Perspective si SR Bañez upang "magbigay linaw" sa usaping iyon. Nasabihan ang Buklod-UPLB na magsasalita si Chaba isang oras lamang bago magsimula ang palatuntunan. Orihinal kasi na wala sa daloy ng palatuntunan si Chaba. Nangako naman ang mga kinatawan ng UPLB Perspective na gagawin nilang maikli lamang ang magiging pahayag ni Chaba.

Nagsimulang mag-init ang gabi ng mga taga-suporta ng Buklod nang makalipas na ang sampung minuto ay hindi pa rin tapos magsalita si Chaba. Ngunit ang ikinainit ng ulo ng lahat ay nang harap-harapan niyang sasabihin sa esensya na ang Buklod ay hindi nararapat maupo sa konseho dahil ang partido raw "ay mapagkompromiso", at binigyang diin pa na ang partido mismo ang nagsampa ng kasong grave misconduct at paglabag sa 1984 USC Constitution laban sa kanya at sa mga miyembro ng Konseho ng mag-aaral.

Isang paglilinaw lamang: muli, hindi Buklod UPLB ang nagsampa ng kaso kay SR Bañez at sa mga Konseho, kundi anim na indibidwal na mag-aaral na naniniwala sa demokrasya na transparent at accountable.

Nagmumula sa isang alumnus na nakasaksi sa mga pangyayari kagabi, aking ikinalulungkot at ikinagagalit at mariing kinukundena ang mga aksyon ng rehente ng mag-aaral.

Ilang beses naring nasabi ng SR na siya ay kumakatawan sa interes ng lahat ng mag-aaral at hindi ng iilan lamang. Hindi ba mag-aaral ang mga miyembro ng Buklod-UPLB? Malinaw pa sa sikat ng araw na kinilingan niya ang kabilang partido dahil sa pambabastos na ginawa niya sa partido Buklod, ang partido na isa rin sa kumikilala sa kanyang matinding papel bilang rehente ng mag-aaral. Mismong Buklod ay tumuturing din sa kanya biglang prutektor ng mga interes ng bawat isang mag-aaral.

Kaya naman ang partido ay hindi na nakatiis at nagdeklara ng malawakang pull-out ng mga kandidato, miyembro, at mga taga-suporta dahil mas nakita na ang sinasabing miting de avance kagabi ay hindi na venue upang maiparating ng parehong partido ang mga saloobin at plataporma nila sa isang balanseng paraan. Inalala na rin ng mga lider ng partido ang kapakanan ng bawat isang ka-Buklod na nasa loob ng bulwagan ng Student Union Amphitheater sa kung anumang maaaring mangyari dulot ng matinding pisikal at emosyonal na stress.

Nakakagalit isipin na sa itinagal-tagal nang pagbuo ng Buklod-UPLB sa kanyang pangalan ay dudungisan lamang at yuyurakan ng isang rehente sa loob lamang ng 30 minuto. Hindi nga lang pangalan ng partido ang kanyang dinungisan, ngunit niyurakan na din ni Chaba ang dangal at pagkatao ng bawat kandidato, miyembro, alumni, at taga-suporta ng partido.

ANG MGA BAGAY NA ITO AY HINDI DAPAT PINALALAMPAS.

Nawa'y makita ng mag-aaral ng UP Los Baños ngayong araw na ito ng halalan kung sino ang TUNAY NA MAGSUSULONG NG KANILANG INTERES bilang representante nila.



ITIGIL ANG CHARACTER ASSASSINATIONS!
KILALANIN ANG BAWAT ISANG MAG-AARAL ANUMAN ANG KULAY PULITIKAL

ISULONG ANG ISANG MALINIS NA HALALAN PARA SA ISANG MAKATAONG KONSEHO!

3 comments:

Anonymous said...

http://pinaywriteroraldiarrhea.blogspot.com/2010/02/open-letter-to-usc-and-csc-candidates.html

I knew her before. She has always been opinionated. But I regret to say that she is an example of an overzealous daughter of the RED that have gone beyond her means to comprehend that she is hurting the very people she wants to protect. I can't really say that she's brainwashed because I know that she is smarter than that. She just needs to learn how to use her words to fire up the people not turn them off to alternatives or to others who do not share her opinion or belief.

I handled her when she was still a freshman so I remember a different Chaba than most of you know. And I know that that Chaba is still there. She cares too much, she loves too much and she speaks her mind too much but she is not lost to me as she is to many of you.

Geo said...

Hi pinaywriter, thanks

By the way, my facebook account was suspended for reasons i cannot fully understand.

Anyway, thanks for the information. I hope the real chaba is still there.

frisince09 said...

http://upissues.wordpress.com/2010/02/25/uplb-in-defense-of-our-student-regent/