Tuesday, February 9, 2010

campaign day 1

February 9, 2010

Naiinis ako! Wala akong ibang makita kundi pagmumukha ni Mr. Dagat ng Basura, na laging inaaway nina Mr. Nanay at Tatay Ko at Ms. Know-it-all. Eto namang si Mr. Nanay at Tatay Ko at ang kanyang running mate super negative ang dating day 1 palang! Si Ms. Know-it-all naman na hindi alam kung magkano ang presyo ng itlog at tuyo dahil vegetarian daw siya ay feeling nakikiisa sa mga nasunugan sa Caloocan. Tandaan mo Ms. Know-it-all, anuman ang gawin mo, oligarka ka pa rin!

Buti pa itong sina Mr. Batang Konsehal at ang tiyuhin niyang si Mr. Turismong Subic, simple lang simulan ang kampanya. At si Mr. Batang Konsehal, talagang ipinapakita niya kung ano ang kaya niyang gawin.

Si Mr. Anim na Taong walang Korapsyon, sa Luneta naman nagsimula. In fairness, ang laki ng watawat!

Sa Tondo nga ba nagsimula si Mr. Two-and-a-half?

Si Mr. Kalikasan ang aking Programa naman, wala akong narinig tungkol sa kanya ngayong araw na to.

At si Mr. Pambato ng Administrasyon, hanep! Antipolo ang pagsisimula... dahil mataas daw na lugar ang Antipolo, simbulo raw ito ng kanilang nakakaangat na partido. Oo, chairman emeritus nila ang numero unong magnanakaw sa bansa eh.

Ano kaya etong si Mr. Adopt Me Please, Marcos? Nangampanya na rin kaya?


Again, ang mga tumatakbong presidente:

MR. ADOPT ME PLEASE, MARCOS
MR. NANAY AT TATAY KO
MR. BATANG KONSEHAL
MR. TWO-AND-A-HALF
MR. TURISMONG SUBIC
MS. KNOW IT ALL
MR. KALIKASAN ANG AKING PROGRAMA
MR. PAMBATO NG ADMINISTRASYON
MR. ANIM NA TAONG WALANG KORAPSYON
MR. DAGAT NG BASURA

wala... trip ko lang magbigay ng nicknames... hehehe

No comments: