Monday, April 19, 2010

Isang Pagpupugay sa Magsisipagtapos

Sa Sabado, magsasara na ang isang masayang kabanata sa iyong buhay at magbubukas naman ang panibago.

Ang isa sa mga bagay na ikinatanyag ng Unibersidad ng Pilipinas ay ang islogan nitong "SERVE THE PEOPLE". Ito ang pinaka-esensya ng ating pagiging Iskolar ng Bayan at Iskolar para sa Bayan. Kahit bumababa ang subsidiya ng pamahalaan sa ating edukasyon, hindi pa rin natin maitatanggi na malaki ang naging papel ng sambayanang Pilipino sa ating de-kalidad na edukasyon.

Kaya't nararapat lamang nating ibalik ang lahat sa sambayanang Pilipino. Hindi naman kailangang isang bonggang pagpapakamatay para sa bayan ang iyong gawin. Maging mapagmatyag at magkaroon ng sariling opinyon sa mga nangyayari sa iyong paligid. Pangalagaan ang likas na yamang bigay sa atin ng Inang Kalikasan. At higit sa lahat, pahalagaan ang demokrasya at ang mga institusyong nagtataguyod nito. Kahit sa iyong sariling pamamaraan ay mapapakita mo na ikaw ay makakapag-SERVE THE PEOPLE.

Sa inyong paglisan sa Unibersidad nawa'y baunin nyo ang mahahalagang liksyon kasama ng magagandang mga alaala.

At lalo't lalo, huwag mong kakalimutan ang iyong pinanggalingan, na ikaw ay Iskolar ng Bayan para sa Bayan, isang titulong iyong panghahawakan magpakailanman at hindi maagaw ninuman.



ISANG TAAS KAMAONG PAGPUPUGAY PARA SA MGA MAGSISIPAGTAPOS NA ISKOLAR NG BAYAN PARA SA BAYAN!

No comments: